Monday, January 30, 2012

Pagsasarili

Hindi ko tinuloy ang plano ko kumuha ng mentor.

Bakit?

1. Hindi ko alam kung ano ang maitutulong nya gayong di nya pa natatahak ang gusto kong tahakin.

2. Wala pa talaga akong problema na naiisip na di ko kayang sagutin.

3. Hindi na muna ako natatakot magkamali. Maliit pa lang ang aking taya.

Wednesday, January 18, 2012

Paghahandog

Noong unang panahon, ang sinumang lumapit sa hari/reyna para humingi ng pabor ay naghahandog. Sa ngayon, bribery na ang tawag doon.

Pero isa pa din itong mahusay na paraan para makuha ang pabor ng iba. Isa sa mga motivational na tanong ng mga tao ay "What's in it for me?" Kung masasagot mo yun ng maayos, maaring mapagbigyan ang hinihingi mo.

Yung iba, tulad ng gusto kong maging mentor, hindi komportable sa mga deretsahang quid pro quo na usapan o yung tunog business transaction kaya dapat sa usapan hindi halatang may transaksyon na nagaganap. Suave lang dapat. Parang usapang magkaibigan.

Nakaisip na ako ng bagay na maihahandog. Kaso may problema. Hiningi na nya dati yun kaso sabi ko wala ako kahit meron.

Isip. Isip.

Tuesday, January 17, 2012

Panimulang Muli

Huminto ako sa pagba-blog dati dahil nagkaroon ako ng hindi pangangailangang gawin ito.

Kinailangan kong magblog dati para magkapag-isip. Ang pagbablog sa akin ay pag-iisip, mabuti man o masama. May mga isyu ako dati na dapat pagtuunan ng pansin, kahit pahapyaw na pansin, o palihim. Nang masagot ang mga tanong sa aking isip, nang ako ay maliwanagan, minabuti kong manahimik at namnamin ang tinamasang kasiyahan.

Ngunit minsan darating ang mga tanong na tulad ng, "Hanggang dyan lang ba ang kasiyahan mo? Alam mo ba na pwede ka pang sumaya?"

Alam ko pwede pa akong maging masmasaya. May naglalarong mga larawan sa isip ko. Hindi ko lang alam kung paano sila ikakatuparan.

-o-0-o-

May nakapagsabi sa akin na kailangan ko ng mentor.

May napili akong mentor kaso di nya alam na gagawin ko syang mentor. Hindi ko din alam kung magiging mabuting mentor sya para sa akin. Isang paraan lang para malaman: subukan. Bago ang lahat, kailangan ko muna maging maamo para makapagpaamo ng mentor.

Tingnan natin.

Monday, January 16, 2012

Kung Bakit Umaalis

Keeping Things Whole

In a field
I am the absence
of field.
This is
always the case.
Wherever I am
I am what is missing.

When I walk
I part the air
and always
the air moves in
to fill the spaces
where my body's been.

We all have reasons
for moving.
I move
to keep things whole.

-- Mark Strand