Monday, February 13, 2006

Pamahiin


Bulan nga ualay catapusan
Originally uploaded by C Saw.
Isa siguro ito sa mga mahahalagang pag-aarin ni Tita Paz. Galing pa 'to kay Lola Sotring. Mga piraso ng mga gulagulanit na lumang papel na naglalaman ng mga sinaunang pamahiin.
Dahan-dahan itong binuklat ni Tita Paz at binasa upang ipaliwanag ang nakasulat tungkol sa magandang panahon ng pagpapakasal.

Kahapon, habang pinagpaplanuhan ng mga tita ko ang kasal ng pinsan ko, hindi ko mapigilang maramdaman na kasama sa usapan si Lola Sotring. At maganda ang pakiramdam.

Thursday, February 02, 2006

Romantic Wish


Lotion
Originally uploaded by C Saw.
Hindi ko malilimutan ang araw na matikman ang iyong halimuyak, ang sandaling dumampi ka aking labi, sa aking dila. Kakaibang tuwa! Hindi ko mapigilang magkalat sa sahig ng opisina. Buti na lang may tisyu.