Friday, January 27, 2006

Pupu


Pupu
Originally uploaded by C Saw.
Friends are like pupu
warm and soft
madikit
mahirap tiisin

at di makayang
tapakan

parang IKAW!

Tuesday, January 24, 2006

Sarado


Sarado
Originally uploaded by C Saw.
Mabuti ang ibang branch ng McDo, open 24 hours.

Isang araw, nakita ko ang mamang ito nagdadasal sa labas ng saradong simbahan. Alam kaya nya na maririnig ang dasal nya kahit nakaupo sya sa inodoro?

Tuesday, January 17, 2006

Walang Pakialam


Pasahero
Originally uploaded by C Saw.
Nakuha ng mama sa larawan ang atensyon ko isang gabi habang sakay ako ng MRT. Bigla kasing tumayo sa pagkakaupo ang babaeng katabi nya dahil sa panggigitgit. Habang ang iba ay naka-upong dyes, komportable ang mama sa pagtanaw sa labas ng bintana. Nasakop nya tuloy pati ang espasyo ng babaeng katabi nya.

Napansin ko rin na parang pinipigilan ng mama ang sarili nya umiyak. Parang may halong hiya at kaba sa mukha nya. Minsan nga pinupunasan nya ang mukha nya ng dala nyang bimpo. Naisip ko na malamang may pinoproblema sya.

Minsan ganun talaga ang tao. Kapag may problema, nakakalimutan minsan ang mga tao sa paligid nila.

Pasalamat yung mama at maganda ang gising ko nung araw na yun. Kung hindi, tatabi ako sa kanya at ako ang gigitgit sa kanya hanggang sya ang tumayo!

Tuesday, January 10, 2006

Survey


Hand
Originally uploaded by C Saw.
If you met someone you might exprerience true love with but you know your relationship won't last for whatever reason (terminal disease, plans to migrate, difference in social status, etc.) would you let yourself fall and risk suffering later just to experience a moment of happiness?