Tuesday, August 23, 2005

Nag-iisa


Heto Ako
Originally uploaded by C Saw.
Pasakalye: Bago ang lahat naisip ko na i-post naman pic ko dito kasi meron isa dyan, akala babae ako. Di ko nasasabihin kung sino. Peace tayo! At saka wala po pala akong balak tumalon sa picture ha. Masaya ako kahit nag-iisa.

Kanina lang may dalawa ako naka-chat. Yung isa nagbabalak yata maging matchmaker. Tama bang i-reto ako sa iba? Ang dami ko daw kasi blog. Ang daming iniisip. Para daw mabawasan iniisip ko, mag-asawa na daw ako. Kung ganun lang sana kadali yun, tatlo na siguro asawa ko! Yung isa naman, atat na atat na magka-boypren. Ayaw na daw nya kasi mag-isa. Ayaw na nya manood ng sine, kumain at matulog mag-isa. Malungkot daw mag-isa.

Ako naman, kahit naghahanap ako ng kapareha nakikita ko pa rin sarili ko ayos lang kahit single. Sa totoo lang, napapadalas ang pakikipag-date ko ngayon. (Nagrereklamo na nga wallet ko. Payat na daw sya.) Pero ayaw ko madaliin. Masaya makipag-date. Masaya rin nagmumuni-muni mag-isa.

Hindi naman ang pagkakaroon ng partner ang ugat ng kasiyahan di ba?

28 comments:

chum said...

dapat gumawa tayo ng singles club dito sa blog! hahaha...

wag kang maghanap dadating din yun...in His time...malay mo inihahanda Niya ang the "one" mo...alam ko narinig mo na yun dati pero Thats life eh...ienjoy mo nga muna ang pagiging single dahil kapag nahanap mo na ang magiging partner mo for life ay yung mga pwede mong magawa na single kay ay hindi mo na magagawa kapag double ka na (ang kurneh!)

madami ka naman magawa na hindi ka ganun gagastosa sa date ah! well depende na rin pala kung sino ang magiging kadate mo...

grabe kitang kita ang mukha mo sa picture siguro kapag nagkabangaan tayo sa kalye eh alam kong ikaw yun...hahahah...

tama...hindi ang pagkakaroon ng partner ang ugat ng kasiyahan..actually pwedeng oo kasi maiinspire ka...pero ang partner mo rin ang pwedeng maging ugat ng kalungkutan mo...

ingat ingat!

C Saw said...

sa akin naman, desisyon maging masaya. khit naman meron o walang partner pde maging masaya o malungkot depende sa gusto, di ba?

RAV Jr said...

aba...todong banatan na to! ako ba pinatatamaan dito? ha? hehehe...joke lang po...

well, di ko namn po intensyong kung baga eh pressure into having relationship, now i would force you to agree on matching with somebody. i hope i did not offend you. when i said thoose, my intentions were pure and of course all subject to your objections, di ba?

yes, i agree with you that being single and in-control with your life is very good.

o sya, pasensya na po, di na po mauulit...

[tsk! dami ko nang blunders nagawa dito sa blogosphere! whew! :( ]

C Saw said...

no offense taken. saka ok lang magkamali. normal lang yun. :)

C Saw said...

hahaha!
yung lyrics comment, kahapon ko lang na-post. pinag-isipan ko yun. muntik nga naubos power ko dun. sinubukan ko imajinin kung malaki yung ano ko.
hahaha!

lws said...

ey pasiksik naman sa gitna ninyo oh....
magandang lasapin mo ang tuwa sa puso tulad ng sabi halos natin lahat kung saan at naramdaman mo ang kasiyahan doon ka pumaroon bro... suportado ka namin....nariyan mararamdaman mo ang mga banal na isipan na nagpapataas ng ating kaluluwa....anong dakila ni God dahil hindi tayo lahat pinababayaan...pansin mo ba?

ang sagot ko sa tanong mo ay kung ang kadakilaan ng pag-ibig na magbibigay ng ibayong tuwa ay huwag mong ipagwalang bahala dahil marahil (bcoz it might be or rather be) maaaring hindi na bumalik kailanman....tinatakot kita!*ako ang iyong konsensya*

si anjiedy nga na gwapohan sa'yo kami pa kaya? sige manligaw ka na sa nasisintahan ng puso mo

*kindat*

Abaniko said...

Darating din ang para sa yo tsong at siguraduhin mo lang na gustong-gusto mo sya. Meantime, sige date ka lang ng date.

lws said...

@abaniko payat na daw ang wallet ni c pano ba yan?

C Saw said...

gusto ko nga magtayo ng foundation para makalikom ng pondo pang-date. gusto nyo ba mag-donate?

chum said...

hahaha...C, okey yang naisip mong foundation ah...pwede ba makihinge ng percent? susuportahan kita ahhaha...ihahanap kita ng date ahhaha

C Saw said...

hahaha. di ko po alam kung pde maghati sa kita kasi non-profit po ung foundation ko. pang-date lang talaga. hehehe.

chum said...

ganun ba...sige ihahanap na lang kita ng date hahaha :P

RAV Jr said...

aba...gagawa pa ng foundation pra me pondong pangdate ha? pahinge...hehhehe...idi-date ko si...

si ano...

sya...hehehhe

C Saw said...

@chum, sige ba basta ba may pondo n ayung foundation.

@anjiedy, sana ma-record yung kanta. Tapos may MTV pa. Sigurado, ban yun sa mtrcb.

@dops, alam ko na yata kung sino. kailangan pa bang i-memorize yun?

goodluck na lang sa ating lahat at sa foundation ko.

lws said...

hahahahaha nakakatuwa naman at magtatatag ka na pala ng foundation abah kailanagna ko ng lapitan mga mayor niyan :P

Abaniko said...

nagtataka nga ako kay c saw eh. ikaw ba nagbabayad ng date? dapat yung ka-date mo na.

lws said...

dapat pala may treasurer,auditor,sgt@arms,at tagalista para pagnakalikom na "TAYO" saka tayo kakain sa buffet one to sawa saka yung date ni C saka natin kilatisin habang kumakain

RAV Jr said...

volunterr akong tresurer! [evil grin] hahaha...

ke mang abaniko, opo siya po dapat magbayad ng date kase sya lalake, hehehe...

RAV Jr said...

nga pla...me tanong ako...mamaya ha, ym tau, hehehe

C Saw said...

@abaniko, bakit naman po ka-date ko? pero kung pwede lang sana... :)

@lws, hindi po yata date tawag dun. outing po yata yung nasa isip mo.

@dops, ano po tanong mo? online na ko.

saka teka, bakit wala yata gusto mag-donate?

chum said...

c saw,
sige balitaan moko duon sa foundation...pero dahil ihahanap kita ng date dapat chaperon ako ng date mo (syempre pati food and all ko dapat ikaw magbabayad hehehe)

LWS,
i agree ako sa suggestion mo!

C Minor said...

para namang lumalabas nahihirapan ako maghanap ng date. ndi naman masyado. kaunti lang pang date. hehehe. kaya importante talaga ang donation.

lws said...

bahala ka na sa date mo kami mga chaperon lang at scorer :P yeah ano bang klaseng date ang gusto niyo ng date mo?sa park?sine o ano?dapat simple lang ang date niyo wag yung magarbo para may mag donate :)wag na wag mong kakalimutang magpakain "sa min...." ako na lang ang auditor mahirap na amging kolektor baka mtrcb ako

chum said...

hahaha...ano ito iproject natin ang lovelife ni C?hehehe :D

C Saw said...

wag po! wag po!

lws said...

kung kakailanganin na iprogram ba c bakit hindi?

Anonymous said...

uy magandang project yan ha? pwede sumali? hehehe

chum said...

C, simulan na ang project hanap na tayo ng sponsors!!! :D