I hope everybody has a better day than the guy found in the red jeep this morning.
I took this pic on my way to work today. A tricycle driver told me that a man was found stabbed to death.
With this entry, I say good morning to everybody.
Monday, August 29, 2005
Tuesday, August 23, 2005
Nag-iisa
Pasakalye: Bago ang lahat naisip ko na i-post naman pic ko dito kasi meron isa dyan, akala babae ako. Di ko nasasabihin kung sino. Peace tayo! At saka wala po pala akong balak tumalon sa picture ha. Masaya ako kahit nag-iisa.
Kanina lang may dalawa ako naka-chat. Yung isa nagbabalak yata maging matchmaker. Tama bang i-reto ako sa iba? Ang dami ko daw kasi blog. Ang daming iniisip. Para daw mabawasan iniisip ko, mag-asawa na daw ako. Kung ganun lang sana kadali yun, tatlo na siguro asawa ko! Yung isa naman, atat na atat na magka-boypren. Ayaw na daw nya kasi mag-isa. Ayaw na nya manood ng sine, kumain at matulog mag-isa. Malungkot daw mag-isa.
Ako naman, kahit naghahanap ako ng kapareha nakikita ko pa rin sarili ko ayos lang kahit single. Sa totoo lang, napapadalas ang pakikipag-date ko ngayon. (Nagrereklamo na nga wallet ko. Payat na daw sya.) Pero ayaw ko madaliin. Masaya makipag-date. Masaya rin nagmumuni-muni mag-isa.
Hindi naman ang pagkakaroon ng partner ang ugat ng kasiyahan di ba?

Monday, August 22, 2005
Pakwan
Ang sarap namnamin ang tamis sa bawat dampi sa dila. Minsan sa sobrang takam susubo ng isang tipak kahit mabulunan. Hindi na papansinin ang katas na aapaw sa labi.
Ang sarap mo! Pakwan naman... Pamatid uhaw lang sa nag-iinit kong araw.

Friday, August 12, 2005
Mabuti sa Puso
Bawal talaga magpasok ng pagkain sa opis namin. Iniinspeksyon ng gard yung mga bag namin bago kami papasukin. Gayunpaman, nagpupuslit pa rin ako ng pagkain.
Alam ko bawal. Pero yun ang gusto ko at wala naman akong alam na nasasaktan. Kaya tuloy pa rin ako sa pagkain ng oatmeal. Mabuti yun para sa puso ko.
Kain tayo!

Thursday, August 11, 2005
Persistence
Between the water and the rock, the water wins.
But don't go banging your head on a rock. You won't win that way.

Subscribe to:
Posts (Atom)