Isa siguro ito sa mga mahahalagang pag-aarin ni Tita Paz. Galing pa 'to kay Lola Sotring. Mga piraso ng mga gulagulanit na lumang papel na naglalaman ng mga sinaunang pamahiin.
Dahan-dahan itong binuklat ni Tita Paz at binasa upang ipaliwanag ang nakasulat tungkol sa magandang panahon ng pagpapakasal.
Kahapon, habang pinagpaplanuhan ng mga tita ko ang kasal ng pinsan ko, hindi ko mapigilang maramdaman na kasama sa usapan si Lola Sotring. At maganda ang pakiramdam.