Ang mga bagong plinano ko ay hindi naisakatuparan. Muntik na, kaso hindi.
Malaki ang kinalaman dito ay katamaran. Nakakatamad sumubok ng bago kung ang luma ay gumagana pa.
Walang masyadong nakikitang magandang hinaharap. Marahil dahil hindi marunong magplano.
Marahil dahil din sa takot kaya hindi na umusad ang plano. May malaking risk dahil kulang sa karanasan/kaalaman tungkol sa bago.
Kulang din ng suporta. sa mga ganitong bagay, hindi pwedeng ako lang ang gagawa. Kung walang ibang gagawa, wag na lang.
Para sa ang isang tao ay sumubok sa isang bagong bagay, kailangan yung mapapala nya ay higit sa gagastusin nya.
Sino ang sisipagin kung wala namang nakikitang panganib sa kinagawiang sistema? Paano ka magbabago kung wala ka masyadong mapapala kung nagbago ka? Bakit ka magbabago kung gugugol ka ng malaking oras at yaman para sa kaunting kikitain na hindi pa tiyak? Tama ba ang kondisyon mo para magbago?
Hindi ka pwedeng magbago dahil ginusto mo lang.