Masarap siguro
magkubli sa ulap
at ako naman sa dilim.
Sabay na lang tayo
tumula't mangarap
kahit hindi na marating.
Hindi magtatagal
ikaw ay sisikat
at hindi na matatanaw.
Ako'y mapapagal,
tulog ang ulirat
patuloy ka sa lang dalaw.
Habang kaya ko pa
munting handog sa 'yo
tulang piniga sa ulo.
Sana alam mo na
sa bawat silip mo
paligid ko'y kulay ginto!
Salamat!
(Photo taken last Sunday morning at Brgy. Hugom, Batangas.)
7 comments:
nabasa na ba niya ito? aba'y kung di ka pa naman sagutin eh ewan ko na lang :D
Batangas naman ngayon ... sarap lang pag-summer:)
wala pong sagot kasi wala pang tanong. wala pang tanong kasi wala pa sa tamang panahon.
tara, byahe tayo!
i love the refreshing looks ng bukang liwayway....
gripo kausap last time..ikaw naman araw..heheh
ganda ng poem..ikaw ang gumawa? galing!
tara byahe tayo! heheheh... wala talagang sagot kung wlang tanong..pareho tayo ng hinihintay, panahon...
ummm...hindi naman talaga ako naghihintay. i just enjoy the moment!
mga senti nga naman ...sige na nga byahe na lang tayo!
basta ihanda ninyo pag-uwi ko ...ako ang flower gurl, okej?
teka... ano ba yung sasabihin ko... wah!!!
ayun! ang ganda ng pikture. gusto kong mapunta dyan. wah... gusto kong magbakasyon. nice blog po. madalas po akong mapuwing. ehehe... ang masaklap eh sa liit ng mata ko napupuwing pa ako... hehe.
Post a Comment