Tuesday, January 17, 2006

Walang Pakialam


Pasahero
Originally uploaded by C Saw.
Nakuha ng mama sa larawan ang atensyon ko isang gabi habang sakay ako ng MRT. Bigla kasing tumayo sa pagkakaupo ang babaeng katabi nya dahil sa panggigitgit. Habang ang iba ay naka-upong dyes, komportable ang mama sa pagtanaw sa labas ng bintana. Nasakop nya tuloy pati ang espasyo ng babaeng katabi nya.

Napansin ko rin na parang pinipigilan ng mama ang sarili nya umiyak. Parang may halong hiya at kaba sa mukha nya. Minsan nga pinupunasan nya ang mukha nya ng dala nyang bimpo. Naisip ko na malamang may pinoproblema sya.

Minsan ganun talaga ang tao. Kapag may problema, nakakalimutan minsan ang mga tao sa paligid nila.

Pasalamat yung mama at maganda ang gising ko nung araw na yun. Kung hindi, tatabi ako sa kanya at ako ang gigitgit sa kanya hanggang sya ang tumayo!

3 comments:

Anonymous said...

baka may prublema nga kasama ba niya yang naka sumbrero?halos nakadantay na ang kamay niya sa balikat ng mama o nagpupunas ng sipon ng luha?

nixda said...

mukhang may masamang balita silang natanggap. maaaring isa sa mahal nila sa buhay ay namaalam na.

Unknown said...

baka nga may masamang balitang natanggap, kong minsan talaga ang tao pag may malaking problema parang wala ka ng pakialam sa mundo. Ingat!