Noong Lunes, pagkalipas ng ilang taon, nakapagpagulong uli ako ng bowling ball. Meron kasing bowling tournament sa kumpanya namin at naisipan ng ila na mag-praktis. Tulad ng inaasahan, nagkalat na naman ako. 87. Yun yung score ko sa unang game. Tatlo na yung spare ko sa lagay na yun ah.
Ano raw nangyari sa akin? Bakit daw ganun score ko? May nagkakalat kasi ng tsismis na magaling daw ako mag-bowling. Noong second game, nagkunwari na lang ako na magaling ako mag-bowling. Kita mo nga naman! Naka-triple X ako! Napa-wow yung mga nakakita. 156 score ko.
Sinabi ko na nagkukunwari lang ako kasi kahapon, nagbowling na naman ako. Bumalik sa 86 score ko! At dahil nagkunwari ako nung praktis bowling namin, lagot na naman ako. Inaasahan nila na mauulit ko yung ginawa ko noong Lunes. Hirap talaga magkunwari.
Siguro sa Huwebes, unang araw ng tournament, pipilitin ko na lang uli magkunwari na magaling ako.
6 comments:
baka kulang ka lang sa praktis. minsan kasi ang tatlong X puspusang trabaho din yan eh.
hahaha triple x cge praktis praktis ganyan din ako noon as in..hanggang panay kami sa bowling center dyan ako natuto sa pinas ng bowling :)
i miss my bowling class in college. pero mas masaya maglaro kung wlang pressure to get higher grades. ",)
goodluck sa tournament! makaka 4 na strike ka niyan...ehheh...
malamang nga, kulang ka lang sa praktis kaya lang sa umpisa masakit sa braso kapag sumobra... congrats kasi naka-xxx ka... bah, magaling ka nga nyan...
Post a Comment